Posts

Sino si Isko Moreno?

Image
Isko Moreno Domagoso · Wednesday, April 17, 2019 · Si Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay ipinanganak noong Oktubre 24, 1974 sa Parola, Tondo, Maynila na salat sa buhay. Siya ang nag-iisang anak nina Rosario ng Allen, Samar at Joaquin ng San Jose, Antique. Dahil sa kahirapan ng kanilang buhay, nagsumikap na siyang tumulong sa kanyang mga magulang sa murang-edad sa pamamagitan ng pangangalakal ng mga napulot na basura noong siya ay nasa elementarya sa Rosauro Almario Elementary School sa Delpan, Tondo , at pagiging sidecar driver habang nag-aaral sa Tondo High School sa Masinop, Tondo na isang pampublikong paaralan. TINGNAN: Mga araw ni Isko Moreno Domagoso bilang aktor para sa programang "That's Entertainment" sa telebisyon Naging maganda ang alok ng kapalaran sa kanya ng minsan siyang naghihintay ng libreng sopas sa isang burulan ng patay sa Mabuhay Street corner Tuazon, Tundo nang bigla siyang nadiskubre ni Wowie Roxas upang pasuk...