Sino si Isko Moreno?
Si Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay ipinanganak noong Oktubre 24, 1974 sa Parola, Tondo, Maynila na salat sa buhay. Siya ang nag-iisang anak nina Rosario ng Allen, Samar at Joaquin ng San Jose, Antique.
Dahil sa kahirapan ng kanilang buhay, nagsumikap na siyang tumulong sa kanyang mga magulang sa murang-edad sa pamamagitan ng pangangalakal ng mga napulot na basura noong siya ay nasa elementarya sa Rosauro Almario Elementary School sa Delpan, Tondo, at pagiging sidecar driver habang nag-aaral sa Tondo High School sa Masinop, Tondo na isang pampublikong paaralan.

TINGNAN: Mga araw ni Isko Moreno Domagoso bilang aktor para sa programang "That's Entertainment" sa telebisyon
Naging maganda ang alok ng kapalaran sa kanya ng minsan siyang naghihintay ng libreng sopas sa isang burulan ng patay sa Mabuhay Street corner Tuazon, Tundo nang bigla siyang nadiskubre ni Wowie Roxas upang pasukin ang mundo ng showbiz. Sa tulong at gabay ng Diyos at ni German “Kuya Germs” Moreno ay naging bahagi siya ng sikat na programa sa telebisyon na “That’s Entertainment.” Doon nahasa ang kanyang talento sa pag-arte kaya’t nabigyan siya ng maraming proyekto sa pelikula at telebisyon (teleserye) na siya ring nakatulong upang unti-unting mapaganda ang antas ng pamumuhay ng kanyang pamilya.

TINGNAN: Educational background ni Isko Moreno Domagoso. Image courtesy of Facebook fan page "Si Isko Ang Mayor Ko"
Nakatapos siya ng elementarya sa Mababang Paaralan ng Rosauro Almario at sekundarya sa Tondo High School. Nakitaan siya ng potensyal ng noo’y Bise-Alkalde ng Maynila na si Danny Lacuna na ama ng kasalukuyang Vice Mayor, Dra. Honey Lacuna, kaya’t pinag-aral siya sa kolehiyo at nagtapos siya sa kursong Bachelor of Science in Management sa International Academy for Management and Economics. Nagpatuloy din siya ng kursong Abogasya sa Arellano University School of Law subalit nasa ikalawang taon na sana siya nito nang hingin ng pagkakataon na siya ay tumakbo bilang Bise-Alkalde ng Maynila at siya naman ay pinalad sa tulong ng mga taga-Maynila at naglingkod nang siyam na taon.

Nagsimula sa serbisyo publiko si Isko Moreno Domagoso matapos siyang tumakbo bilang Konsehal ng 1st District ng Maynila noong 1998.
Nagsimula siyang sumubok sa mundo ng pulitika at serbisyo publiko noong 1998. Nahalal siya bilang pinaka-batang konsehal sa edad na 23. Natapos niya ang tatlong termino ng pagiging konsehal sa Unang Distrito ng Maynila. Bilang konsehal ng Tundo, isinulong niya ang mga batas at resolusyon na maka-mahirap, na nakatuon sa Edukasyon, Kalusugan, Pabahay, at Palupa. Itinaguyod niya ang “Isko Moreno Computer Learning Center” (ISCOM) na nagbigay ng free computer education sa kanyang mga ka-distrito. Nakapagpatayo rin siya ng pitong gusali na ginamit bilang day-care center sa mga barangay. Itinatag din niya ang programang SAGIP (Serbisyo Araw at Gabi ni Isko sa Publiko) kung saan nagbibigay ng emergency assistance sa mga mahihirap nating kababayan sa Lungsod ng Maynila.

Matagumpay na tumakbo si Isko Moreno Domagoso bilang Vice Mayor ng Lungsod ng Maynila noong 2007.
At sa edad na 32, siya ang pinaka-batang nahalal na Bise-Alkalde sa kasaysayan ng Lungsod ng Maynila. Doon ay pinakita niya ang kanyang husay sa pamumuno sa 38 konsehal at sa pagbabalangkas ng mga ordinansa sa resolusyon na naglalayong mapaunlad ang Maynila at mapataas ang antas ng kalidad ng pamumuhay ng bawat Batang Maynila. Pinalawig din niya kanyang mga sinimulang proyekto at programa para sa buong ka-Maynilaan.
Dahil pangarap ni Isko Moreno Domagoso na mga inisyatibong makatutulong sa mga mahirap at nangangailangan, bukod sa ISCOM ay inilunsad niya ang proyektong ISKOLAR NG BAYAN na nagbibigay ng libreng scholarship sa mga kabataang mula sa mahihirap na pamilya. Naisakatuparan din niya ang TRABAHO PARA SA MANILEÑO, kung saan libo-libong mamamayan ang nabigyan ng trabaho dito at sa ibayong dagat.
Itinatag din niya ang BOTIKA NI ISKO na natatanging botika sa loob ng pampublikong opisina sa buong Pilipinas. Ito ay isang munting parmasya sa loob mismo ng Tanggapan ng Bise Alkalde na nagbibigay ng libreng gamot sa mga may sakit, bitamina para sa mga bata at matanda, at maintenance meds para sa mga senior citizen.

Ano ba ang mga nagawa ni Isko Moreno Domagoso biglang public servant?
Nakapagawa din siya ng Speech Laboratory sa Ramon Magsaysay High School at Mariano Marcos Memorial High School. Naitatag din niya ang Joaquin Domagoso Memorial Computer and Speech Laboratory sa Manila Science High School. Katuwang niya ang Kaagapay ng Manilenyo Foundation, Inc. sa paglulunsad ng ibat-ibang proyekto tulad ng Takbo ng Manilenyo at Takbo ng Pamilyang Manilenyo (Fun Run), Himig Manileño Chorale Competition at Hataw Manileño Group Dance Competition na nakalikom ng pondo na ipinambili ng mga iPad Tablets na ipinamahagi sa mga guro’t mag-aaral sa ilang pampublikong paaralan sa lungsod at pinangunahan niya ang programang WiFi City para sa kapakinabangan ng publiko, lalo na sa University Belt.
Sa pagsisimula ng ikalawang termino ay ipinagkaloob naman sa kanyang halos lahat ng mga kapwa-Bise Alkalde sa buong Pilipinas na inihalal siya bilang Pangulo ng Vice Mayors’ League of the Philippines mula taong 2010 hanggang sa kasalukuyan na papatapos na siya sa kanyang ikatlo at huling termino bilang Vice Mayor ng Maynila. Nahalal din siya bilang unang Vice President ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP).

Alamin ang mga plano ni Batang Maynila Isko Moreno Domagoso.
Ito ang ilan sa mga plano at plataporma ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso upang maingat ang antas ng pamumuhay ng bawat Manileño tungo sa pagtaguyod ng bagong Maynila.

WATCH: Isko Moreno Domagoso's proposed tax plan
Lowering of real estate tax
Layong ibaba ng Batang Maynila ang buwis para sa amilyar at negosyo.
WATCH: The Tax Plan

WATCH: Isko Moreno Domagoso's solution to Manila's garbage problem
Basura
Takda at tiyak na oras sa pagkolekta ng basura ang hangad ng Batang Maynila.
WATCH: Solution to Manila’s garbage

WATCH: Isko Moreno Domagoso's proposed student allowance for city government-funded schools
Student Allowance
Magbabahagi ng P1,000 student allowance ang pamahalaan sa bawat mag-aaral ng PLM at UDM.
WATCH: Student Allowance Program

WATCH: Isko Moreno Domagoso's proposal to revive the daily nutrition program for all public school students
Nutribun
Ibabalik ang pang-araw-araw na Nutribun para sa mga Kinder at Grade 1 na mag-aaral sa Maynila.
WATCH: Revival of Nutribun program
Senior Citizens
Buwanang pensyon na nagkakahalagang P500 at trabaho para sa senior citizens, itataguyod ng Batang Maynila.
WATCH: Monthly Pension at Jobs for Seniors

Ano ba ang mga pangarap ni Isko Moreno Domagoso para sa Lungsod ng Maynila?
Bagama’t isa itong napakalaking hamon, naniniwala siya si Batang Maynila Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa biyayang Maykapal, sa suporta ng mga Manileño, at sa kagandahan loob ng mga mapagkalinga, aakibat ang mabuti, matatag at malinis na pamumuno sa pamahalaan, ay abot kamay ang katuparan ng pagbabalik ng masigla, maganda, at maunlad na Lungsod ng Maynila na kanyang sinilangan.
Dala niya ang kanyang mga karanasan at mga natutunan sa buhay sa paghahain niya ng kanyang sarili upang maging Boses ng Maralita, Mahihirap at Boses ng mga Ordinaryong Manileño sa Lungsod ng Maynila.

TINGNAN: Ang pamilya ni Isko Moreno Domagoso
Sa patuloy na pagpupursige at pagsusumikap ni Batang Maynila Isko Moreno Domagoso, pangunahing inspirasyon niya ang kanyang pamilya katuwang ang kanyang maybahay na si Dynee Ditan Domagoso at ang kanilang limang anak na sina Patrick, Frances, Joaquin, Franco at Drake.
We are not claiming rights over this write-up we shared from https://www.facebook.com/iskomorenodomagoso/ , its rightful owner. Maraming salamat po as we join hands for a better Philippines. May God bless us all.
We are not claiming rights over this write-up we shared from https://www.facebook.com/iskomorenodomagoso/ , its rightful owner. Maraming salamat po as we join hands for a better Philippines. May God bless us all.
Comments
Post a Comment